Maligayang pagdating sa isang kapana-panabik na linggo sa Zypto! May magandang balita kaming ibabahagi!
Tungkol sa partnership na kilala na bilang “Dubai Deal”, masaya naming iniuulat na natapos na ang deal, isang mahalagang hakbang pasulong sa aming paglalakbay bilang magkatuwang.
Noong nakaraang Biyernes ay isinumite namin ang lahat ng kinakailangang dokumentasyong hinihingi ng legal at compliance team ng kumpanya, at kasalukuyang dumadaan sa proseso ng pagsusuri ang mga papeles. Kapag tapos na ito, maibabahagi na namin ang magandang balita at kung anong kumpanya ito! Abangan ang opisyal na anunsyo!
Binubuksan ng partnership agreement ang mga pinto ng Zypto sa pandaigdigang merkado na may mahigit kalahating milyong pisikal na lokasyon sa buong mundo, na lahat ay nakahanda nang mag-integrate sa makabagong Zypto App. Gagamitin namin ang mga partikular na produkto ng Zypto para i-onboard ang client base ng kumpanya.
Malaki ang mga pag-unlad tungkol sa partnership na ito, at sapat para gumawa ng malaking ingay sa cryptosphere. Habang hinihintay namin ang huling pagsusuri, pinasasalamatan namin ang inyong pasensya.
Bukod pa rito, ang aming pakikipagtulungan sa kumpanya ay nagbunga rin ng isa pang kapana-panabik na oportunidad na labis naming inaasahang ilantad sa lalong madaling panahon. Abangan!
Kaugnay na mga paksa





























